Cheater πŸŒ΅πŸ’”

May 28, 2015

This time hindi siya nagparamdam. Sobrang alala ko sa kanya, walang text, call or chat sakin. Hindi ko alam kung nasaan siya or kung ano ginagawa niya. Hindi ako mapakali that time, tinadtad ko siya ng text at chat then tinawagan ko siya pero naka-off cp niya. Hanggang sa nakita ko online siya sa facebook chinat ko siya pero sineen-zoned niya ko. Hindi ko alam anong problema. Tapos nagtext siya sakin, na naospital daw siya dahil nanigas yung paa niya sa lamig. Kaya pala 5 days hindi siya nagparamdam at nagreresponse sa mga text at chat ko. Nag alala talga ko sa kanya pero sabi niya okay na daw siya at magkita daw kami kinabukasan.

June 2, 2015


Nagkita kami, masaya ko kasi okay na siya. Ang daldal namin parehas, puro kwento kami tapos tawa kami ng tawa hanggang sa nasa bus na kami pauwi. I missed him so much. Hinatid niya ko sa labas ng gate namin (hindi pa kami legal that time), tapos umuwi na siya sa kanila. Then nasa kwarto na ko nun nakahiga, kinuha ko sa bag ko yung cp ko para sana itext siya kaso nakapa ko sa bag ko yung cp niya. Naiwan niya pala, hindi niya siguro namalayan. Hawak ko yung cp nya, hindi ko alam kung bubuksan ko ba yun o hindi, bigla kasi akong kinabahan. I chat him agad na naiwan yung cp nya sa bag ko then after a while nagreply siya. Nagtaka ko kasi biglang nag-iba yung mood niya. Sinabi niya sa chat na sinadya nya raw iwan yun kasi may dahilan. Natatakot daw siyang sabihin sakin kasi sobrang saya namin nung magkasama kami. Lalo akong kinabahan, binuksan ko agad cp niya. And then, sobra yung iyak ko habang binabasa yung mga text nila .... nung babae niya πŸ’”πŸ˜­. Ang sweet nila sa text, kaya pala hindi siya nagparamdam ng ilang araw kasi kasama niya yung babae niya. Sinama niya yung babae sa bahay nila at pinakilalang gf niya tapos may nangyari pa sa kanila.. T*ngina! Sobrang sakit kasi mas pinaniwalaan ko siya kesa sa mga kaibigan ko.

Tinadtad niya ko ng chat, he tried to explain everything pero wala, blangko isip ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya, pero naiinis ako sa sarili ko. Am I not enough for him? Kaya nagawa niya yun? Hindi niya ba makuha yung gusto niya sakin kaya sa iba siya naghanap? I feel pity for myself sh*t! Nagmamakaawa siya sa chat nun kasi sabi ko magbreak na lang kami.. Magsama na lang sila nung babae niya tutal niloko na niya ko, pero ayaw niya ko hiwalayan. Nawala buong tiwala ko sa kanya. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako nakatulog dahil sa nangyari. Hindi ko alam gagawin ko. Sa sobrang inis ko binalak ko pang itapon yung cp niya o kaya ibato sa pader. Pero sabi ko sa kanya, magkita kami then ibabalik ko lang yung cp tapos wala na. Mas mabuti na siguro yun.

Araw araw kinukulit niya ko sa chat, sorry siya ng sorry, hindi na daw mauulit yun, magbabago na daw siya kasi ako daw yung mahal na mahal niya. Nung araw na nalaman ko yung totoo, binreak niya agad yung babae. Hindi niya ko tinigilan sa chat. Until we meet again para ibalik yung cp niya.

June 6, 2015

Nagkita kami sa Trinoma. Awkward. Hindi ko siya matitigan kasi ang sakit pa rin. Binalik ko yung cp niya, nag-usap kaming dalawa. Nagsorry siya sakin sa personal. Inulit niya yung mga sinabi niya sakin sa chat. Ayaw niya daw ako mawala, kaya ako ang pinili niya (well, ako ang original at fake yung isa hahaha). Kiniss niya ko tapos hinawakan sa kamay. Niyakap ko siya. Wala eh, mahal ko talaga siya. Diba sinabi ko na sa inyo na "I'll take the risks just to love him unconditionally".. Kaya heto nagpapakatanga ako.

Sumayaw pa siya nun nang Nae Nae para patawanin ako, well he made it. Then pumunta kami sa birthday ng kaibigan namin. Finally, okay na kaming dalawa. I really hope na okay na talaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento