Meet My Parents

Augsust 2, 2015

Kakauwi lang namin galing Maharlika kasama yung mga kabigan ko. Gusto ko pa samahan kaibigan ko nun sa Cavite kasi alam ko kailangan niya ko, kaso ayaw ako payagan ni Dice kaya ang ending sa Valenzuela na kami bumaba. Nag aaway pa kami that time hanggang sa sinabi ko na ipapakilala ko na siya sa family ko, biglang nag-iba itsura niya (kinabahan siguro hahaha). Naglakad na kami papunta sa bahay, hindi siya mapakali, kinakabahan daw siya. Mas kinakabahan naman ako, siya kasi ang unang lalake na ipapakilala ko sa family ko (well, I had 4 ex pero hindi sila legal kasi bata pa ko that time hahaha).

Kilala naman na ni mama si Dice, nakita na niya sa picture at nakakatext niya pa. So ayun nasa labas na kami ng gate, nauna ko pumasok then sabi ko sa kanila may bisita ako. Sinigawan ko siya kasi nasa labas pa rin ng gate hahaha, so ayun pumasok siya tapos sabi ko kina mama at papa "Ma, Pa, si Dice boyfriend ko po". Nagmano siya sa kanila, tapos ayun konting usap usap. Halatang medyo kinakabahan pa siya nung una, pero nung tumagal nakikipagkwentuhan na rin siya kina mama. I'm happy seeing my boyfriend talking to my parents. Ang sarap nila panoorin, feeling ko okay kami sa family ko. Sobrang saya ko nun. Pagkatapos, nagsimba kaming dalawa, thank God for making me feel this way, wala na kong mahihiling pa. After ng mass hinatid niya ko sa bahay (bahay na mismo hindi na sa gate lang haha), at pinakain pa siya ng dinner ni mama before siya umuwi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento