First Date ❤

May 9, 2015

After namin magbakasyon sa Batangas, bumalik na kami sa Valenzuela. Pero dapat 1 month kami sa province kaso napaaga uwi kasi school purposes namin ni kuya and work ni mama. Masaya kasi magkikita kami. Wala pang signal dun kaya hindi kami makapagtext or chat ng maayos. I admit namiss ko rin siya ng ilang araw hehe. Tapos ngayon ewan ko bakit excited akong makita siya. Parang namiss ko yung ganitong feeling, syempre ikaw kaya maging 2 years single as in no lovelife, yung tipong hinahanapan ka na ng mga kaibigan mo ng lalake para magkajowa kana hahaha. Pero sabi ko True Love Waits, if it is Gods will, then it is.

Our first date. Normal date lang siya actually, nagkita kami sa Trinoma. Nag-ikot ikot, kumain sa McDo, tapos naglaro at kumanta sa Timezone. Humirit pa siya kantahin yung Let Me Be The One hahaha, simple pero sobrang nag enjoy ako. Ang hirap aminin na nagugustuhan ko na siya, 1 week pa lang nakakalipas simula nang magkakilala kami. Syempre pagirl ako, konting pakipot muna hahaha. Pero I really like him.


Yehey! May picture na kaming dalawa hahaha. Ang cute namin dyan ❤ 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento