His First Love Letter

Semptember 12, 2015

Ito yung time na binigyan niya ko ng love letter, first time. Nahihiya pa siya ibigay sakin, yung tipong aabutin ko na tapos babawiin niya hahaha pero nakuha ko naman. Sinabihan niya ko agad na huwag ko daw muna basahin tapos nilambing niya ko nun. Hindi ko natiis binasa ko rin siya haha kasi naman kinikilig ako, galing sa kanya yung letter. Ano kaya nakasulat? Excited ako basahin, 2 papers din yun back to back yung sulat kaya medyo mahaba,


Yang yung favorite part ko na message niya for me. Naiyak pa ko dahil sa letter niya. Sobrang mahal na mahal na mahal ko siya. Niyakap ko siya nun, naalala ko yung mga panahon na sobra kami mag-away, yung aabot pa sa murahan tapos sakitan, yung mga problemang dumadating samin na ang hirap solusyunan pero gumagawa kami ng paraan para maging maayos ang lahat, yung mga plano naming dalawa hanggang sa pagtanda namin, pakiramdam ko ang laki ng pinagbago niya. At first ang hirap kasi nawala yung tiwala ko sa kanya pero talagang pursigido siya mabalik yun, pinaparamdam niya na ako lang talaga, halos araw araw kami magkasama, sinusundo niya ko sa school kahit gabi na uwi ko or kahit magkulang man pamasahe niya, yung paghihintay niya sakin sa tuwing magkikita kami, halos lahat naalala ko nung mga oras na yun. Hindi ko masisisi sarili ko bakit ko minamahal yung tulad niya. Ganun siguro talaga pag true love hahaha, kahit anong problema pa yan alam namin na kaya namin at kakayanin ito. Well, hanggang ngayon nasa akin pa rin yung letter niya, tinago ko talaga kasi sa kanya galing yun. I treasured all the moments with him.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento