First Ring (Promise Ring) πŸ’

September 6, 2015


As usual date na naman, pumunta kaming Quezon Memorial Circle (QMC). Nag aaway pa kami nun kaso hindi ko na tanda kung ano pinag aawayan namin haha. Gala lang sa circle, sarap magpahangin, ang daming tao, may mga nagzuzumba pa tapos mga nagbibike. After namin gumala syempre kumain tapos nagpahinga. Naglakad lakad ulit kami hanggang sa may makita kaming mini store. They're selling couple rings and free engraving pa. Natuwa naman ako kasi nakakita kami ng ganitong tindahan hahaha. Namili kami ng design ng ring na gusto namin at nung may napili na saka nila nilagyan ng names namin.

Excited kami parehas kasi first time namin magkasingsing, mukha kaming baliw hahaha. Naglakad lakad ulit kami tapos nag stop kami sa may harap ng stage. I can't explain my feelings kasi sinuot niya sakin yung singsing, tapos sinabi niya pa na mahal na mahal niya ko, ako lang ang babaeng mamahalin niya at wala ng iba at madami pa siyang sinabi. Honestly, kinilig talaga ko ng bongga sa ginawa niya hahaha ang lapad ng ngiti ko sa kanya haha. Ako naman nagsuot ng singsing sa kanya at sinabi ko rin na mahal na mahal ko siya. Feeling ko parang ikakasal na kami hahaha sh*t! Kakilig sobra! Hahaha. I think this is our promise ring, symbolize our promises for each other. Yayakapin ko pa sana siya ng maputol yung moment kasi biglang umulan ng malakas. Well, sabihin na lang natin na yun ay God's blessing ❤. Binless ni God yung relationship namin. Tumakbo kami sa taas ng stage ganun din yung ibang tao para may masilungan. Pagkatapos umulan, nagdecide na kami umuwi.

Nasa bus na kami pauwi sa bahay nila, nagkukwentuhan kaming dalawa ng mahagip ng mga mata namin yung palabas sa tv sa loob ng bus. Yung part kasi is wedding nung babae at lalake, nagkatinginan kami tapos sabay tawa hahaha. Destiny is real ❤. I love him so much...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento