Official ❤πŸ’‹

May 25, 2015


For almost 3 weeks of courting, he made me feel special. Ang bilis ng mga pangyayari, nag eenjoy ako pagkasama siya, gusto ko lagi siyang makausap at makita. Napapangiti ako kahit wala siyang ginagawa. Naranasan kong hindi umuwi sa bahay for almost 1 week para makasama siya (yung time na sobrang alala si mama). Yung sweetness niya umaapaw haha kinikilig ako. In short, I fall inlove with him. Ang sarap sa feeling! Araw araw inspired ka hahaha. Thanks for loving me, and I think its time to love him back ❤.

Paano ko siya sinagot? Paano naging kami? Hmm nandun kami nun sa Maharlika sa bahay ng lola niya (Nanay Au). Magkatabi kami sa higaan, kung anu ano pinag uusapan namin then nung matutulog na kami saka ko binulong yung "Sinasagot na kita". Well, akala ko hindi niya narinig kaya inulit ko. Nahihiya pa ko magconfess sa kanya that time pero thank you kasi niyakap niya ko. Naniniwala ako na hindi naman dapat talaga pinapatagal yung panliligaw kasi wala ng excitement, wala ng thrill, relasyon dapat ang pinatatagal. Finally, we're official couple na. Pero nung una kong punta sa bahay nila (May 12, 2015 yun), pinakilala niya agad ako as girlfriend niya hahaha.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko nun, syempre SIYA una hahaha. Tulad ng Tatagal kaya kami?,,Mahal niya ba talaga ako?, Seryoso ba siya sakin?, Ako lang ba mamahalin niya?, Mga plano naming dalawa, Mga bagay na gusto kong gawin kasama siya, at marami pa. Kasi ako, SIYA lang ang lalaking mamahalin ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ko dati kay Lord habang nagpapray ako na kapag dumating na yung lalaking binigay Niya, mamahalin ko yun habambuhay, aalagaan ko yun dahil Siya ang nagbigay sakin. Kaya ikaw, Ranran... I love you! I don't know why but I'm happy being with you. Please take care of my heart, I'll trusts you.

Simula nung naging kami ang daming nagsabi bakit siya daw pinili ko, mostly mga friends ko nagsasabi na babaero, playboy, user daw siya. Ang dami naman daw gusto manligaw sakin bakit yun daw pinayagan ko. Dapat kinilala ko daw muna yung ganong tipong lalake. Well, kahit totoo o hindi pa yung sinabi nila hinayaan ko lahat sila kasi may tiwala ako kay Dice na mahal niya ko at seryoso siya sakin. Mahal ko siya. Masaya kaming dalawa. Alam ko magbabago siya para sakin. I will take the risks just to love him unconditionally.

Nag usap pa kaming dalawa, nagdecide kami na magstop na maging party goer pero syempre pupunta pa rin kami minsan para makita mga friends namin sa group.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento