Christmas & New Year ✨❤

December 25, 2015

Our first Christmas together. I can't imagine na 7 months na pala kami that time, sobrang bilis ng panahon. Sa bahay siya nagpasko kasi buong family niya pumunta ng Baguio (dapat kasama kaming dalawa kaso ayaw ako payagan ni mama hahaha) at wala siyang kasama sa bahay nila. Ang saya kasi first time ko maexperience yung ganito hahaha. Foodtrip kami sa bahay with my parents. Then nag stay siya sa bahay for almost 2 weeks. Buti pumayag parents ko, thankful talaga ko. Wala na kong mahihiling pa. Sobrang daming blessings na natanggap ko that time at kuntento na ko dun.


Decembre 31, 2015

Countdown na para sa 2016! Ang saya kasi kasama ko mga mahal ko sa buhay hahaha. Naka all red pa kaming lahat, ang cute tignan. Fisrt time ko rin siya makasama sa araw ng new year. I can't explain my feelings that time. After mag-ingay, magpaputok ng lusis (ayaw nila mama ng ibang paputok kasi baka masugatan daw kami kaya ayan lang ginamit namin hahaha), sumayaw, tumalon haha at manood ng fireworks, kumain kami ng sabay sabay. I keep all this memories with him. Speechless.




His Spoken Words

December 22, 2015

Speechless hahaha. Basahin nyo na lang. Ewan ko ba kung long sweet message tawag dito haha pero astig first time ko makabasa ng ganyan.





Topy's Birthday

November 22, 2015

Topy's birthday celebration. Sino si Topy? Anak siya ng tita ni Dice. Ininvite ako ni Dice that time na sumama sa 1st birthday party ni Topy. Nung una parang ayaw ko kasi syempre halos buong family niya nandun (shy type eh hahaha) pero at the end sinama niya talaga ako. Well, masaya pala. Nakilala ko mga pinsan niya, mga tito't tita niya at marami pa. Ang sarap sa feeling hahaha ewan ko kasi feel ko welcome ako sa kanila. After kumain sa party, nagkantahan na yung iba. Kami naman puro selfie haha.


Then nakilala ko si Rose, cousin din ni Dice sa side ng papa niya. Mabait siya at kalog kasama hahaha pati yung kapatid niya nakilala ko rin, kaya feeling ko hindi ako OP sa party. Thank you hahaha miss ko na sila.



My 18th Birthday πŸ’‹✨ Part 2

November 7, 2015


Late celebration of my 18th birthday with my friends. Nagpunta kami sa Mall Of Asia (MOA) para gumala, magfoodtrip, tumambay sa seaside at para makita ko ang FilHarmonic hahaha (Acapella boy group sila mga FilAm). Super saya kasi ang sarap nila kasama. Puro kami kwentuhan tapos tawanan. Mga selfie lords pa sila hahaha. Sobrang nag enjoy ako kasama sila. Inabot kami ng madaling araw sa pagtambay sa seaside kasi sobrang lamig ng hangin, nakakarelax. Nanood din kami ng fireworks display, ang ganda pagmasdan. Foodtrip again, selfie gain. Ganun paulit ulit lang trip namin hahaha. I super thankful because I have them. Love you guys! Hahaha




My 18th Birthday πŸ’‹✨ Part 1


November 2, 2015

Finally 18 na ko hahaha legal age. We had made a simple yet memorable celebration. Ang saya ko kasi magkasama kami sa araw ng birthday ko. After namin kumain sa bahay umalis kaming dalawa. Well, nagdate kami. Bumili kami for the first time ng couple shirts and shoes. We're both happy that time. Thanks to him! I enjoyed my birthday because of him.



First DIY Love Letter

October 25, 2015


It's our 5th monthsary! πŸ’❤ Ito yung first time ko siyang gawan ng love letter. Nilagyan ko lang ng konting effort para pakiligin siya hahaha. Almost 2 days ko siya ginawa before kami magmonthsary. Binigay ko sa kanya yan nung araw mismo ng monthsary namin.  And I made it! I saw his huge smile that time haha. Kinikilig siya nun habang binabasa yung message ko for him (well, sanay naman na ko magLSM (Long Sweet Message) kaya ayun haha).

Sa bahay nila kami nagdate, watching movies with his cousin then foodtrip. Ang saya ko kasi magkasama ulit kami.


First Time (His Concern To Me)

October 13, 2015

Sinugod nila ko sa Valenzuela General Hospital nun kasi sobrang sakit ng tagiliran ng tiyan ko tapos sobrang taas pa ng lagnat ko. Iyak ako ng iyak sa sobrang sakit, hindi ko na alam gagawin ko. Nahihirapan pa ko huminga nun kakaiyak. Sa totoo lang ayaw ko talaga magpunta sa ospital kasi ayaw ko sila mag-alala sakin pero ayun dinala nila ko kasi hirap na hirap na ko. Nakikita ko sobra pag-aalala ni Dice sakin (sinamahan niya si mama sa ospital), hindi siya nakapasok sa ospital kaya hinintay niya kami sa labas. Hindi ako makalakad ng maayos sa sobrang sakit, inalalayan ako ni mama hanggang sa makaupo kami sa Emergency Room. Kinausap kami nang doctor then ang daming pinakuhang test sakin. Pagkatapos namin maghintay sa resulta, nalaman namin na bumalik yung UTI (Urinary Tract Infection) ko. Ang daming antibiotics na dapat inumin ko para gumaling ako. Dumating pa sa point na dapat icoconfine ako kaso sabi ko ayaw ko, gusto ko sa bahay magpahinga. Isa pa naghihintay nun si Dice sa labas ng ospital, gusto ko siyang makita.

Kinausap ulit si mama nang doctor, pinabili siya ng PT (Pregnancy Test) para ipagamit sakin. Sinamahan ko si mama sa labas then nilapitan kami ni Dice, bumili na si mama tapos sinabi ko kay Dice na bibili si mama ng PT. Nagulat pa siya nun hahaha bakit ko daw gagamitin sabi ko ewan ko. Bumalik na kami ni mama sa loob, after ko gamitin yung PT negative yung lumabas syempre hahaha. Confirmation lang nang doctor yun at UTI ulit yung resulta sa last test na ginawa ko. Sinabihan ako ng doctor na umiwas sa maaalat na pagkain (ang hirap kasi favorite ko mga maaalat at maanghang na pagkain hahaha) at dalasan ang pag-inom ng tubig. Sinabi ko kay mama na umuwi na kami kasi gagabihin si Dice sa pag-uwi sa kanila (well, madaling araw na pala siya haha).

Dahil madaling araw na kami nakauwi sa bahay, hindi na pinauwi si Dice ni mama kasi baka kung mapano siya. Pumayag naman siya kasi gusto niya ko maalagaan. Nakikita ko sa mga mata niya yung pag-aalala niya sakin. Halos hindi rin siya natulog kakabantay sakin. Mahal na mahal ko talaga siya. Thanks for being there for me, I love you hon...

His First Love Letter

Semptember 12, 2015

Ito yung time na binigyan niya ko ng love letter, first time. Nahihiya pa siya ibigay sakin, yung tipong aabutin ko na tapos babawiin niya hahaha pero nakuha ko naman. Sinabihan niya ko agad na huwag ko daw muna basahin tapos nilambing niya ko nun. Hindi ko natiis binasa ko rin siya haha kasi naman kinikilig ako, galing sa kanya yung letter. Ano kaya nakasulat? Excited ako basahin, 2 papers din yun back to back yung sulat kaya medyo mahaba,


Yang yung favorite part ko na message niya for me. Naiyak pa ko dahil sa letter niya. Sobrang mahal na mahal na mahal ko siya. Niyakap ko siya nun, naalala ko yung mga panahon na sobra kami mag-away, yung aabot pa sa murahan tapos sakitan, yung mga problemang dumadating samin na ang hirap solusyunan pero gumagawa kami ng paraan para maging maayos ang lahat, yung mga plano naming dalawa hanggang sa pagtanda namin, pakiramdam ko ang laki ng pinagbago niya. At first ang hirap kasi nawala yung tiwala ko sa kanya pero talagang pursigido siya mabalik yun, pinaparamdam niya na ako lang talaga, halos araw araw kami magkasama, sinusundo niya ko sa school kahit gabi na uwi ko or kahit magkulang man pamasahe niya, yung paghihintay niya sakin sa tuwing magkikita kami, halos lahat naalala ko nung mga oras na yun. Hindi ko masisisi sarili ko bakit ko minamahal yung tulad niya. Ganun siguro talaga pag true love hahaha, kahit anong problema pa yan alam namin na kaya namin at kakayanin ito. Well, hanggang ngayon nasa akin pa rin yung letter niya, tinago ko talaga kasi sa kanya galing yun. I treasured all the moments with him.

First Ring (Promise Ring) πŸ’

September 6, 2015


As usual date na naman, pumunta kaming Quezon Memorial Circle (QMC). Nag aaway pa kami nun kaso hindi ko na tanda kung ano pinag aawayan namin haha. Gala lang sa circle, sarap magpahangin, ang daming tao, may mga nagzuzumba pa tapos mga nagbibike. After namin gumala syempre kumain tapos nagpahinga. Naglakad lakad ulit kami hanggang sa may makita kaming mini store. They're selling couple rings and free engraving pa. Natuwa naman ako kasi nakakita kami ng ganitong tindahan hahaha. Namili kami ng design ng ring na gusto namin at nung may napili na saka nila nilagyan ng names namin.

Excited kami parehas kasi first time namin magkasingsing, mukha kaming baliw hahaha. Naglakad lakad ulit kami tapos nag stop kami sa may harap ng stage. I can't explain my feelings kasi sinuot niya sakin yung singsing, tapos sinabi niya pa na mahal na mahal niya ko, ako lang ang babaeng mamahalin niya at wala ng iba at madami pa siyang sinabi. Honestly, kinilig talaga ko ng bongga sa ginawa niya hahaha ang lapad ng ngiti ko sa kanya haha. Ako naman nagsuot ng singsing sa kanya at sinabi ko rin na mahal na mahal ko siya. Feeling ko parang ikakasal na kami hahaha sh*t! Kakilig sobra! Hahaha. I think this is our promise ring, symbolize our promises for each other. Yayakapin ko pa sana siya ng maputol yung moment kasi biglang umulan ng malakas. Well, sabihin na lang natin na yun ay God's blessing ❤. Binless ni God yung relationship namin. Tumakbo kami sa taas ng stage ganun din yung ibang tao para may masilungan. Pagkatapos umulan, nagdecide na kami umuwi.

Nasa bus na kami pauwi sa bahay nila, nagkukwentuhan kaming dalawa ng mahagip ng mga mata namin yung palabas sa tv sa loob ng bus. Yung part kasi is wedding nung babae at lalake, nagkatinginan kami tapos sabay tawa hahaha. Destiny is real ❤. I love him so much...


Meet My Parents

Augsust 2, 2015

Kakauwi lang namin galing Maharlika kasama yung mga kabigan ko. Gusto ko pa samahan kaibigan ko nun sa Cavite kasi alam ko kailangan niya ko, kaso ayaw ako payagan ni Dice kaya ang ending sa Valenzuela na kami bumaba. Nag aaway pa kami that time hanggang sa sinabi ko na ipapakilala ko na siya sa family ko, biglang nag-iba itsura niya (kinabahan siguro hahaha). Naglakad na kami papunta sa bahay, hindi siya mapakali, kinakabahan daw siya. Mas kinakabahan naman ako, siya kasi ang unang lalake na ipapakilala ko sa family ko (well, I had 4 ex pero hindi sila legal kasi bata pa ko that time hahaha).

Kilala naman na ni mama si Dice, nakita na niya sa picture at nakakatext niya pa. So ayun nasa labas na kami ng gate, nauna ko pumasok then sabi ko sa kanila may bisita ako. Sinigawan ko siya kasi nasa labas pa rin ng gate hahaha, so ayun pumasok siya tapos sabi ko kina mama at papa "Ma, Pa, si Dice boyfriend ko po". Nagmano siya sa kanila, tapos ayun konting usap usap. Halatang medyo kinakabahan pa siya nung una, pero nung tumagal nakikipagkwentuhan na rin siya kina mama. I'm happy seeing my boyfriend talking to my parents. Ang sarap nila panoorin, feeling ko okay kami sa family ko. Sobrang saya ko nun. Pagkatapos, nagsimba kaming dalawa, thank God for making me feel this way, wala na kong mahihiling pa. After ng mass hinatid niya ko sa bahay (bahay na mismo hindi na sa gate lang haha), at pinakain pa siya ng dinner ni mama before siya umuwi.


First Time (Go To Church With Him)

June 21, 2015

Nagdate kami actually. Pumunta kami sa SM Valenzuela, nag ikot-ikot, kumain tapos naglaro. Next naman, sa Victory Mall kaen streetfoods tapos gala na naman. Kaen ulit hahaha. After nun pumunta kami Quezon Ave. sa bahay ng tita niya. Hapon na nung nakarating kami dun, then sakto sunday pa kaya we decided to go to church. Sto. Domingo Church pinagsimbahan namin. First time ko magsimba dun at first time namin magsimba together. Nung mga oras na yun hindi mawala yung ngiti ko, ewan ko ba hahaha kinikilig lang siguro ako. Magkatabi kami sa upuan, tahimik kami parehas. Ano kaya pinray niya kay God? Ako lagi kong pinagdadasal na sana tumagal kami, sana kami na talaga. Mahal ko talaga siya. Sumasabay kami sa pagkanta sa simbahan, nginitian niya ko. Ang pogi niya hahaha, hindi tuloy ako makapagfocus kay God hahaha sorry. Then ayun hanggang sa kumanta ng Ama Namin, magkahawak kami ng kamay (kaming dalawa lang), ayaw niya may ibang kamay humawak sakin, well ganun din ako sa kanya. Ang cheesy lang ❤. After yung part na sasabihin yung peace be with you kiniss niya ko sa noo. Hays, napapangiti na naman ako sa kanya.

Pagkatapos namin magsimba nagcomputer siya, pinanood ko siya maglaro ng Crossfire hahaha. Supportive girlfriend here! Magaling siya maglaro kainis haha.


Cheater πŸŒ΅πŸ’”

May 28, 2015

This time hindi siya nagparamdam. Sobrang alala ko sa kanya, walang text, call or chat sakin. Hindi ko alam kung nasaan siya or kung ano ginagawa niya. Hindi ako mapakali that time, tinadtad ko siya ng text at chat then tinawagan ko siya pero naka-off cp niya. Hanggang sa nakita ko online siya sa facebook chinat ko siya pero sineen-zoned niya ko. Hindi ko alam anong problema. Tapos nagtext siya sakin, na naospital daw siya dahil nanigas yung paa niya sa lamig. Kaya pala 5 days hindi siya nagparamdam at nagreresponse sa mga text at chat ko. Nag alala talga ko sa kanya pero sabi niya okay na daw siya at magkita daw kami kinabukasan.

June 2, 2015


Nagkita kami, masaya ko kasi okay na siya. Ang daldal namin parehas, puro kwento kami tapos tawa kami ng tawa hanggang sa nasa bus na kami pauwi. I missed him so much. Hinatid niya ko sa labas ng gate namin (hindi pa kami legal that time), tapos umuwi na siya sa kanila. Then nasa kwarto na ko nun nakahiga, kinuha ko sa bag ko yung cp ko para sana itext siya kaso nakapa ko sa bag ko yung cp niya. Naiwan niya pala, hindi niya siguro namalayan. Hawak ko yung cp nya, hindi ko alam kung bubuksan ko ba yun o hindi, bigla kasi akong kinabahan. I chat him agad na naiwan yung cp nya sa bag ko then after a while nagreply siya. Nagtaka ko kasi biglang nag-iba yung mood niya. Sinabi niya sa chat na sinadya nya raw iwan yun kasi may dahilan. Natatakot daw siyang sabihin sakin kasi sobrang saya namin nung magkasama kami. Lalo akong kinabahan, binuksan ko agad cp niya. And then, sobra yung iyak ko habang binabasa yung mga text nila .... nung babae niya πŸ’”πŸ˜­. Ang sweet nila sa text, kaya pala hindi siya nagparamdam ng ilang araw kasi kasama niya yung babae niya. Sinama niya yung babae sa bahay nila at pinakilalang gf niya tapos may nangyari pa sa kanila.. T*ngina! Sobrang sakit kasi mas pinaniwalaan ko siya kesa sa mga kaibigan ko.

Tinadtad niya ko ng chat, he tried to explain everything pero wala, blangko isip ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya, pero naiinis ako sa sarili ko. Am I not enough for him? Kaya nagawa niya yun? Hindi niya ba makuha yung gusto niya sakin kaya sa iba siya naghanap? I feel pity for myself sh*t! Nagmamakaawa siya sa chat nun kasi sabi ko magbreak na lang kami.. Magsama na lang sila nung babae niya tutal niloko na niya ko, pero ayaw niya ko hiwalayan. Nawala buong tiwala ko sa kanya. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako nakatulog dahil sa nangyari. Hindi ko alam gagawin ko. Sa sobrang inis ko binalak ko pang itapon yung cp niya o kaya ibato sa pader. Pero sabi ko sa kanya, magkita kami then ibabalik ko lang yung cp tapos wala na. Mas mabuti na siguro yun.

Araw araw kinukulit niya ko sa chat, sorry siya ng sorry, hindi na daw mauulit yun, magbabago na daw siya kasi ako daw yung mahal na mahal niya. Nung araw na nalaman ko yung totoo, binreak niya agad yung babae. Hindi niya ko tinigilan sa chat. Until we meet again para ibalik yung cp niya.

June 6, 2015

Nagkita kami sa Trinoma. Awkward. Hindi ko siya matitigan kasi ang sakit pa rin. Binalik ko yung cp niya, nag-usap kaming dalawa. Nagsorry siya sakin sa personal. Inulit niya yung mga sinabi niya sakin sa chat. Ayaw niya daw ako mawala, kaya ako ang pinili niya (well, ako ang original at fake yung isa hahaha). Kiniss niya ko tapos hinawakan sa kamay. Niyakap ko siya. Wala eh, mahal ko talaga siya. Diba sinabi ko na sa inyo na "I'll take the risks just to love him unconditionally".. Kaya heto nagpapakatanga ako.

Sumayaw pa siya nun nang Nae Nae para patawanin ako, well he made it. Then pumunta kami sa birthday ng kaibigan namin. Finally, okay na kaming dalawa. I really hope na okay na talaga.

Official ❤πŸ’‹

May 25, 2015


For almost 3 weeks of courting, he made me feel special. Ang bilis ng mga pangyayari, nag eenjoy ako pagkasama siya, gusto ko lagi siyang makausap at makita. Napapangiti ako kahit wala siyang ginagawa. Naranasan kong hindi umuwi sa bahay for almost 1 week para makasama siya (yung time na sobrang alala si mama). Yung sweetness niya umaapaw haha kinikilig ako. In short, I fall inlove with him. Ang sarap sa feeling! Araw araw inspired ka hahaha. Thanks for loving me, and I think its time to love him back ❤.

Paano ko siya sinagot? Paano naging kami? Hmm nandun kami nun sa Maharlika sa bahay ng lola niya (Nanay Au). Magkatabi kami sa higaan, kung anu ano pinag uusapan namin then nung matutulog na kami saka ko binulong yung "Sinasagot na kita". Well, akala ko hindi niya narinig kaya inulit ko. Nahihiya pa ko magconfess sa kanya that time pero thank you kasi niyakap niya ko. Naniniwala ako na hindi naman dapat talaga pinapatagal yung panliligaw kasi wala ng excitement, wala ng thrill, relasyon dapat ang pinatatagal. Finally, we're official couple na. Pero nung una kong punta sa bahay nila (May 12, 2015 yun), pinakilala niya agad ako as girlfriend niya hahaha.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko nun, syempre SIYA una hahaha. Tulad ng Tatagal kaya kami?,,Mahal niya ba talaga ako?, Seryoso ba siya sakin?, Ako lang ba mamahalin niya?, Mga plano naming dalawa, Mga bagay na gusto kong gawin kasama siya, at marami pa. Kasi ako, SIYA lang ang lalaking mamahalin ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ko dati kay Lord habang nagpapray ako na kapag dumating na yung lalaking binigay Niya, mamahalin ko yun habambuhay, aalagaan ko yun dahil Siya ang nagbigay sakin. Kaya ikaw, Ranran... I love you! I don't know why but I'm happy being with you. Please take care of my heart, I'll trusts you.

Simula nung naging kami ang daming nagsabi bakit siya daw pinili ko, mostly mga friends ko nagsasabi na babaero, playboy, user daw siya. Ang dami naman daw gusto manligaw sakin bakit yun daw pinayagan ko. Dapat kinilala ko daw muna yung ganong tipong lalake. Well, kahit totoo o hindi pa yung sinabi nila hinayaan ko lahat sila kasi may tiwala ako kay Dice na mahal niya ko at seryoso siya sakin. Mahal ko siya. Masaya kaming dalawa. Alam ko magbabago siya para sakin. I will take the risks just to love him unconditionally.

Nag usap pa kaming dalawa, nagdecide kami na magstop na maging party goer pero syempre pupunta pa rin kami minsan para makita mga friends namin sa group.

First Date ❤

May 9, 2015

After namin magbakasyon sa Batangas, bumalik na kami sa Valenzuela. Pero dapat 1 month kami sa province kaso napaaga uwi kasi school purposes namin ni kuya and work ni mama. Masaya kasi magkikita kami. Wala pang signal dun kaya hindi kami makapagtext or chat ng maayos. I admit namiss ko rin siya ng ilang araw hehe. Tapos ngayon ewan ko bakit excited akong makita siya. Parang namiss ko yung ganitong feeling, syempre ikaw kaya maging 2 years single as in no lovelife, yung tipong hinahanapan ka na ng mga kaibigan mo ng lalake para magkajowa kana hahaha. Pero sabi ko True Love Waits, if it is Gods will, then it is.

Our first date. Normal date lang siya actually, nagkita kami sa Trinoma. Nag-ikot ikot, kumain sa McDo, tapos naglaro at kumanta sa Timezone. Humirit pa siya kantahin yung Let Me Be The One hahaha, simple pero sobrang nag enjoy ako. Ang hirap aminin na nagugustuhan ko na siya, 1 week pa lang nakakalipas simula nang magkakilala kami. Syempre pagirl ako, konting pakipot muna hahaha. Pero I really like him.


Yehey! May picture na kaming dalawa hahaha. Ang cute namin dyan ❤ 




Getting To Know Each Other

May 3, 2015

Kakauwi ko pa lang nun, as usual may hang over kaya natulog muna ko. Paggising ko hapon na, kumain muna ko tapos naligo after nun chineck ko cellphone ko, may nag missed call unregistered number. Nagtaka ko kung sino, baka importante yung sasabihin kasi nakailang missed call siya. Hinintay ko baka sakaling tumawag ulit then ayun nga sinagot ko. "Ahmm Hi, Dice to." yan yung narinig ko sa kabilang linya. I don't know what I should say saka hindi ako sanay may kausap sa cp kaya parang kamustahan lang nangyari. Then we started texting each other. Tinanong ko kung saang lupalop niya nakuha # ko, sabi niya sa kaibigan niya daw. Kaya ayun araw araw kami magkatext, sweet syempre tapos kunyari concern (yung tatanungin ka ng "Kumain kana?" haha) joke. Madalas siyang tumawag sa cp tapos naririnig ko yung pagtawa niya habang nag uusap kami, natutuwa na ko sa kanya ewan ko kung bakit.


Tapos kinuha niya pa iba kong pictures sa facebook at nilagay sa facebook niya. I think sincere naman siya sa panliligaw. Magkatext na, magkachat pa. He always says to me na mahal na nya daw ako. Syempre hindi ako agad naniwala kasi sobrang bilis naman, pero well ganun siguro talaga pag maganda .... ang kalooban hahaha. Puro thank you pa lagi sagot ko nun every time na sasabihan niya ko ng "I love you hon" (yan daw tawagan namin HON).


Tapos sabi niya RS (in a relationship) daw kami sa facebook, sinakyan ko naman trip niya hahaha. Sisters pa nilagay ko nun kasi feeling ko close na agad kaming dalawa tapos puro tropa namin nagcomment hahaha natatawa na lang ako eh pero atleast nalaman ko support sila kay Dice para sakin ❤


Strangers

What if you meet a stranger, do you entertain them? Saying some words like "Hi/Hello" with matching smile. Then whats next? There's an awkwardness right? Talking to people you don't know you may feel excitement, shy, irritated, etc. Well, ganyan kami nagsimula.

GT (get together) ng group namin sa Trinoma, every saturday nagaganap yun so dahil active ako at loyal sa group nakilala ko sila at naging mga superfriends! Every saturday din may mga new persons na sumasama samin and because I'm one of the admins of course I need to entertain them syempre para hindi sila ma out of place saka mabait naman ako hahaha. Almost 3 months pa lang ako sa group, ang dami ko ng naexperience like party hard all night, smoking, drinking alcoholic beverages, house party sa bahay ng mga tropa, tumakas para lang makasama, magcheck in sa hotel, magpunta sa underground party, clubs, kung saan saan ako nakakarating then pag uwi sa bahay ayun walwal, may hang over, puyat, pero hindi ko pinagsisihan kasi masaya. You only live once ika nga kaya go lang ng go hahaha.

May 2, 2015, pumunta ko ng GT namin, well kakabalik ko lang sa group kasi nung April hindi ako naging active kaya ayun madaming bagong mukha, medyo na shy ang lola nyo hahaha pero keri pa naman. Until some of my friends told me na sumama kami sa house party kasi nga namiss nila kami ng kasama ko (friend ko na babae). Sumama kami kasi ang kukulit nila. Sama sama kaming lahat sa jeep nun then house party kina Dan. Pagdating dun inom, yosi, kwentuhan.

Then someone looked at me then he said "Hi Cloudeth" and he smile. Tinitigan ko siya. "Ahmm Dice" sabi niya. Goosebumps, why? Hindi ko siya nakita sa Trinoma nun kaya medyo gulat ako tapos kilala niya agad ako, but still I greet him ("Hello") and smile also. Thats all. Nasa loob sila ng house nagchichill while kami sa labas. After a while, I feel tipsy so I stop drinking muna. Aware ako na naging emotional ako that time (because I missed my Ex so much) kaya pumunta ko sa friend ko na nasa loob ng house tapos ayun kesa icomfort ako lalo pa ko pinaiyak hahaha. Then he asked "Bakit siya umiiyak?", may katabi siyang babae nun tapos magkahawak kamay sila (akala ko gf niya hindi pala), sinabi ko na lang na wala sabay labas. Pumasok ulit ako kasi hinahanap ko yung friend ko kaso wala tapos nakita ko siya. Pinaupo niya ko sa tabi niya, then sinubukan niya kong icomfort kahit na hindi niya pa alam problema ko. Hanggang sa sinabi ko tapos pinakita ko pa text ng manliligaw ko noon, grabe ang sakit nung mga sinabi nun sakin (Well, that time sobrang mahal ko kasi talaga ex ko kaya kahit may manliligaw hindi ko ineentertain, pero NOON yun haha). Tapos ayun kinomfort niya ko then lumabas kami, nagyosi siya, nakihits pa ko haha pantanggal stress lang then gusto pa ko painumin ng mga kasama ko kaso pinaawat na niya ko. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa. Umupo kami nun sa loob ng tricycle.

Nafeel niyo na ba yung feeling mo safe ka dun sa taong kasama mo? Yung taong bagong kilala mo pa lang? Feel mo kumportable ka sa kanya, ang gaan ng pakiramdam mo sa kanya. Ganun kasi yung naramdaman ko habang nagkukwento siya. Napunta pa usapan namin sa mga ex niya, (hindi ko siya tinanong nun about sa mga ex niya pero kinwento niya sakin). Ang daldal niya pala. Hindi halata kasi physically badboy look siya. Meron siyang tattoos, earings pero maayos siya pumorma. Hanggang sa kinakantahan na niya ko nun, ewan ko bakit niya ginawa yun hahaha. Tahimik lang ako pinapakinggan siya (infairness may boses ang lolo nyo haha). After nun lumabas na kami ng tricycle tapos may binili kami sa tindahan, late ko na narealize na hawak na niya pala ang kamay ko. Sobrang higpit ng hawak niya at ang init ng palad niya. Hindi niya binitawan yung kamay ko kaya pinagtinginan kami ng mga tropa ko hahaha. Tapos binuhat niya pa ko nun yung parang pang kasal na buhat hahaha lakas lang ng trip pero napangiti niya ko kahit papano.

After namin uminom, nagdecide kami magcheck in sa nearest hotel para makapagpahinga, bandang 5am na yun then may naiwan pa dun sa house nila Dan. Sumama siya (Dice) samin, bale 4 kami sa 1 kwarto. Siya yung katabi ko sa higaan, ewan ko ba bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kinukulit ko siya nun, inaamoy ko leeg nya hahaha eh matutulog na siya then he said "Hindi ka titigil? Halikan kita dyan" mukhang nabadtrip haha tapos ang ending kiniss niya ko sa lips! WTF. Playboy! Pervert! (Lol) 2 years akong single nun tapos nung time na yun ko lang ulit nafeel na ikiss. Tapos ayun tumahimik na ko, speechless eh hahaha. Hanggang sa pinagmamasdan ko yung mukha niya, di kasi ako makatulog dahil sa ginawa niya f*ck you siya haha. Nakapikit na siya nun, tulog na siguro. Naalala ko na naman Ex ko at dahil dun I kissed him sa cheeks, maraming beses. Naiiyak nga ulit ako nun kaso napigil kasi gising pa pala siya. Edi alam niyang kinikiss ko siya sa cheeks hahaha nakakahiya. The next thing I knew, we're kissing again, passionately. Hindi ko alam bakit ko sinagot yung mga halik niya. Tapos nag usap kami, seryosong usapan. He asked me kung pwede daw ba siyang manligaw, seryoso daw siya. Sabi ko "I'll try kasi takot na ko magmahal ulit at masaktan ulit". Pero paulit ulit niya pa ring tinatanong yun hanggang sa makatulog ako. After nun nagsiuwian na kami, hawak niya kamay ko habang naglalakad kami.